Tungkol saan ang engagement na ito?
Isinasagawa ng Province ang mga unang hakbang para tahakin ang ilang taong landas para maisulong ang provincial Filipino cultural centre sa B.C. Kasalukuyan kaming humihingi ng mga komento tungkol sa bisyon ng isang bagong sentro na natutugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.
Timeline: Mayo 31, 2024 hanggang Disyembre 2024
Home
Vision
Magkaroon ng isang lugar para magtipon ang komunidad dito sa British Columbia.
Magpapatuloy kaming makipagtulungan at makipag-ugnayan kasama ang mga lokal na organisasyon at komunidad ng mga Filipino Canadian sa B.C., at sa lahat ng mga mamamayan sa British Columbia, tungkol sa bisyon para sa isang sentro na pinamumunuan, sinusuportahan at tumutugon sa mga pangangailangan ng komunidad ng mga Filipino Canadian sa B.C.
Dedikadong makikipagtulungan ang Province sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga komunidad upang maisulong ang proyektong ito.
Naglulunsad ang Province ng inisyal na proseso ng engagement na magbibigay-alam sa bisyon para sa isang bagong cultural centre sa B.C. na ipapagdiriwang ang kultura at mga kontribusyon ng komunidad ng mga Filipino Canadian. Mangyaring sagutan ang survey sa ibaba at ibigay ang inyong mga pananaw at rekomendasyon tungkol sa kung paano dapat isulong ang gawaing ito.
“Ang ating multikultural na lipunan ang kalakasan ng B.C., at ang mga kontribusyon ng komunidad ng mga Pilipino dito sa B.C. ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan, kultura at tagumpay ng ating province. Matagal nang pangarap ng komunidad ng mga Pilipino sa B.C. ang magkaroon ng isang Filipino cultural centre kung saan maaaring manatiling konektado at maibahagi ng komunidad ang kanilang pamanang kultura. Nakakasabik na suportahan ang mga pagsisikap na tutulong na maging realidad ang bisyon na ito.”
– Lana Popham, Minister of Tourism, Arts, Culture and Sport.
Mga kasalukuyang pagsisikap
Noong Marso 2023, iginawad ng Province sa Mabuhay House Society ang $250,000 upang masuportahan ang paunang pagpaplano ng engagement para sa provincial Filipino cultural centre. Natapos ang gawaing ito noong Marso 2024. Kasama sa mga susunod na hakbang ng Province ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga organisasyon sa komunidad at pagpapalaganap ng survey at website para sa engagement upang makapagbigay-alam sa bisyon ng provincial Filipino cultural centre.
Project timeline:
- Community organization leaders roundtable #1 – Agosto 10, 2023
- Community organization leaders roundtable #2 – Setyembre 28, 2023
- Community organization leaders roundtable #3 – Pebrero 15, 2024
Alam niyo ba?
- Mayroong mahabang kasaysayan ang mga Pilipino sa British Columbia na nagmula pa noong 1880s, kung saan maliit na komunidad ang nanirahan sa Bowen Island.
- Mahigit 170,000 Filipino Canadian ang itinuturing na tahanan ang province at isa ito sa mga pinakamabilis na lumaking komunidad sa B.C.
- Ang mga Filipino Canadian ay matatagpuang nakatira sa iba’t ibang bahagi ng B.C. at nakapagtatag na sila ng daan-daang pormal at impormal na mga grupong nagsisilbi sa komunidad at mga organisasyong sinusuportahan ang koneksiyon sa komunidad at mga pangangailangan sa buong province.
“Ang pagtatayo ng isang Filipino cultural centre ay matagal ko nang inaasam mula pa noong una akong nahalal, at nagagalak akong makita na malapit na itong maging isang realidad. Hinihikayat ko ang lahat na ibahagi ang kanilang mga ideya at saloobin sa proseso ng engagement. Nang sa gayon, matitiyak nating sinasalamin ng cultural centre na ito ang diversity, pagiging masigla at matatag ng daan-daang libong Pilipino na itinuturing tahanan ang B.C.”
– Mable Elmore, Parliamentary Secretary for Anti-Racism Initiatives.
Online survey
Ibahagi ang iyong mga pananaw tungkol sa bisyon ng isang bagong sentro na natutugunan ang mga pangangailangan ng komunidad. Maaaring sagutan ang survey hanggang Disyembre 2024.
Magpadala ng email
Kung mayroon kang mga tanong o nais mong magsumite ng feedback sa pamamagitan ng email, maaari itong ipadala sa provincialfilipinoculturalcentre@gov.bc.ca